Home ENTERTAINMENT Sofronio, game sa Batang Quiapo!

Sofronio, game sa Batang Quiapo!

Manila, Philippines- There’s also an actor in The Voice US Season 26 champion Sofronio Vasquez.

Hangga’t maaari sana, since nakilala siya bilang mang-aawit, ideally ay sa larangan na lang ng pagkanta siya malinya.

But if he can’t help it, bukas naman si Sofronio sa posibilidad na kunin siya to act in a TV project.

Nabanggit nga ang Batang Quiapo, kung saan game siyang lumabas kahit miyembro ng mafia.

Aminado ang first Asian at first Pinoy The Voice grand winner na nahu-hook siya sa panonood ng mga teleserye.

Okey lang daw mapabilang siya sa BQ, pero ang hindi raw niya kakayanin ay magdrama o magpatulo ng luha.

And good news din: napapayag na rin si Sofronio na gawan siya ng life story.

Sa hanay ng mga aktor, who does Sofronio like to play the lead role?

His choice is singer-actor Elijah Canlas!

Nahuhusayan nga si Sofronio kay Elijah, na hindi naman kataka-taka dahil sa mga natanggap na nitong parangal sa pag-arte.

Eh, sino naman kaya ang napipisil ni Sofronio na gumanap sa natsitsismis na dyowa niyang gay–bagay na pinabulaanan na niya? Ronnie Carrasco III