Home NATIONWIDE Solon sa NGAs: LGUs tulungan sa gitna ng water shortage

Solon sa NGAs: LGUs tulungan sa gitna ng water shortage

MANILA, Philippines- Nanawagan si Senator Grace Poe sa kaukulang national government agencies (NGAs) nitong Martes na tulungan ang local government units (LGUs) na nakararanas ng kakulangan ng tubig dahil sa El Niño.

Nagdeklara ang ilang lungsod at mga munisipalidad ng state of calamity supang magamit ang local funds para sa water procurement.

“Others would need bigger resources to provide irrigation for farm lands and water for livestock to further avert agricultural losses,” wika ni Poe.

Aniya, dapat mahikayat ng mga inisyatibang ito ng LGUs ang national agencies na agad na umaksyon, sa inaasahang pag-iral ng El Niño hanggang Mayo.

“It is not too late to bring in solutions to the provinces to mitigate the impact of this weather phenomenon,” aniya.

Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes sa Occidental Mindoro upang suriin ang epekto ng El Niño at pinagtibay ang kasalukuyang pagsisikap ng pamahalaan upang ibsan ang epekto nito.

Sa kabila ng mga hamong dulot ng nagbabagong klima, siniguro ni Marcos na committed ang pamahalaan sa pagtugon sa sitwasyon. RNT/SA