Home NATIONWIDE SONA barong ni PBBM, gawa ng artisans mula Calabarzon, Visayas – PCO

SONA barong ni PBBM, gawa ng artisans mula Calabarzon, Visayas – PCO

169
0

MANILA, Philippines – MAGSUSUOT si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng barong na gawa ng artisans mula Calabarzon at Western Visayas para sa kanyang pangatlong State of the Nation Address (SONA), ngayong araw ng Lunes, Hulyo 22, 2024.

“[President Marcos’] Sona barong is a collaborative work of artisans from Lucban, Quezon, Taal, Batangas, and Aklan,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Wala namang ibinigay na iba pang detalye sa magiging kasuotan ng Pangulo.

Maliban kay Pangulong Marcos, nagbahagi rin ng kanilang magiging kasuotan sina Senador Nancy Binay at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel para sa SONA.

Bagama’t ang mga bisita ay pinagbabawalan na magsuot ng mga damit na may political messages, isiniwalat ni Manuel na magsusuot siya ng “protest barong” na nagtatampok sa mural na “symbolizes the hope of the new generation.”

Samantala, si Binay naman ay magsusuot ng all-piña terno na dinisenyo ni Randy Ortiz. Sinabi ni Binay na ito’y “meticulously handloom-woven by the master artisans of Aklan.”

Kaabang-abang naman mamaya ang magiging Ulat Sa Bayan ni Pangulong Marcos.

At upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng SONA, nagtalaga ang Philippine National Police ng 23,000 tauhan nito sa Kalakhang Maynila. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here