MANILA, Philippines -Mas mahaba kumpara sa dalawang naunang State of the Nation Address (SONA) ang idedeliver ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ngayong taon, ayon sa kanyang anak na si Ilocos Norte Rep Sandro Marcos.
Ayon kay Rep Marcos, tatagal ng 1 oras at kalahati ang SONA speech ng Pangulo kung saan ilan sa matatalakay ay mga isyu na hindi inaasahan.
“It’s good, we’re there yesterday afternoon. He ran through his speech one last time.The speech is an hour and a half long, lots to look forward to, some unexpected, that’s all I’ll say,” pahayag ni Rep Marcos.
Barong Tagalog ang susuutin ng Pangulo na gawa ng mga artisans mula sa Quezon, Batangas at Aklan.
Si Pangulong Marcos ay nasa Batasan Complex na kung saan dumating ito lulan ng chopper alas 3:33 ng hapon. Gail Mendoza