Home NATIONWIDE Sotto binatikos ng Chinese embassy sa ‘intimidation’ sa tumataas na tensyon sa...

Sotto binatikos ng Chinese embassy sa ‘intimidation’ sa tumataas na tensyon sa WPS

204
0

MANILA, Philippines – Binatikos ng Chinese Embassy sa Maynila noong Miyerkules si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at inakusahan ang ilang senador ng pananakot sa mga diplomat ng China, na lalo umanong nagpapataas ng tensyon sa pagitan ng mga mambabatas at Beijing.

Naglabas ng pahayag si spokesperson Ji Lingpeng bilang tugon sa naging komento ni Sotto laban sa naunang pahayag ng embahada na pumuna sa ilang miyembro ng Senado.

“Mr. Senate President, you say we are rude, but take a look at the track record,” ani Ji, at binanggit na may isang senador na nagsabi sa mga diplomat ng China sa isang plenary session na umalis ang mga ito.

Tinuligsa rin ni Ji ang pagtawag ng ilang senador sa China bilang “bully” at sa Chinese Embassy bilang “bad guest” o “troll farm.”

“You also say we are disrespectful,” ani Ji. “Is that what you call respect?”

Itinanggi ng tagapagsalita na nais ng embahada na patahimikin ang Senado.

“No one wants to silence you, and no one should be silenced,” ani Ji. “The reality is that certain senators have been repeatedly threatening and intimidating a foreign embassy, even proposing to declare Chinese diplomats ‘persona non grata.’ So who is trying to silence the other side?”

Tinalakay nina Sotto at iba pang senador ang paghahain ng resolusyon na magrerekomenda kay Pangulong Marcos na ideklarang persona non grata ang ilang opisyal ng Chinese Embassy.

Gayunman, inaprubahan ng Senado noong Lunes ang Resolution No. 256 na kumokondena sa mga pahayag ng embahada na bumatikos sa mga opisyal ng Pilipinas dahil sa pagtatanggol sa pambansang soberanya at karapatang pandagat.

Sinabi ni Ji na magpapatuloy ang embahada sa pagtugon sa tinawag nitong “baseless attacks and smears,” at iginiit ang karapatan nito sa ilalim ng Vienna Convention on Diplomatic Relations.

“The Chinese Embassy serves both as a bridge for promoting friendly exchanges between China and the Philippines and as a fortress for safeguarding the country’s interests and dignity,” ani Ji.

Dagdag pa niya, bukas ang embahada sa konstruktibong dayalogo tungkol sa mga pagkakaiba.

Nagbabala rin siya na kung may “falsehoods are spread” o kung ang China ay “maliciously vilified,” matatag na tutugon ang embahada.

Ayon kay Ji, hindi magtatagumpay ang pagtatangkang gipitin ang China sa pamamagitan ng “statements, resolutions, or endless complaints.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here