Home NATIONWIDE Sotto-Lacson tandem sa Senado, matatag; walang banta kahit may impeachment

Sotto-Lacson tandem sa Senado, matatag; walang banta kahit may impeachment

130
0

MANILA, Philippines – Walang nakikitang banta sa liderato ng Senado sa ilalim ni Senate President Vicente Sotto III sa kabila ng posibilidad ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson ngayon, Sabado.

Sa pahayag, sinabi rin ni Lacson na nagsimula na sila ni Sotto na mag-crash course” o briefing sa mga legal matters tulad ng Rules of Court at Revised Rules on Criminal Procedure bilang paghahanda sa posibleng pag-transmit ng impeachment case sa Senado.

“Impeachment trial or no impeachment trial, talagang laging may nag-a-attempt (ng leadership change). Hindi naman nawawala yan. Laging may nag-attempt lalo pag may break expect natin, may gapangan. Diyan kasi nangyayari ang pag-plot pag may session break,” aniya sa panayam sa DWIZ radio.

“Ako naman kami sa majority mukhang solid naman kami at least to my knowledge. Maayos naman ang palakad ni SP Sotto,” dagdag niya.

Sinabi ni Lacson na pinag-aaralan nila ni Sotto ang Rules of Court at Revised Rules on Criminal Procedure bilang paghahanda sa posibleng impeachment trial dahil sa mga “suppletory applications” nito. Dagdag niya, kumokonsulta rin siya sa mga retiradong mahistrado at legal experts.

Pinayuhan din ni Lacson si Sotto na maghanda sa posibleng hakbang ni Sen. Rodante Marcoleta upang harangin ang impeachment trial sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa basehan nito.

“One word lang ang sagot: Constitution,” ani Lacson, na binanggit na payo ito ng isang retiradong mahistrado, at iginiit na may konstitusyonal na tungkulin ang mga senador bilang senator-judges sa impeachment trial.

Dagdag pa niya, kung kukuwestiyunin ni Marcoleta ang kanilang tungkulin bilang senator-judges, maaari pa nga itong imbitahan na sumama sa defense side.

“Depende how he will present it. Baka doon siya sa defense, sabihin na lang namin doon ka na lang umupo,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here