Home NATIONWIDE Sotto, pinayuhan si Bato: Sahod, allowances, isuko dahil sa matagal na pagliban...

Sotto, pinayuhan si Bato: Sahod, allowances, isuko dahil sa matagal na pagliban sa Senado

127
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na boluntaryong isuko ang kanyang sahod at allowances “as soon as possible” dahil sa matagal na nitong pagliban sa Senado.

Muling inulit ni Sotto ang kanyang suhestiyon kasunod ng naunang panawagan ni Ethics Committee chair Sen. JV Ejercito noong Martes.

“It’s best he do it [as soon as possible] to save the Ethics Committee from deciding for him,” ani Sotto.

“I suggested that to the daughter, his Chief of Staff, a couple of months ago. No response,” dagdag niya.

Ayon kay Ejercito, maaaring maging batayan para maibasura ang ethics complaint laban kay Dela Rosa kung kusa itong hindi tatanggap ng sweldo at allowances.

Hindi na nakikita sa Senado at hindi na rin nakadalo sa mga sesyon si Dela Rosa mula noong Nobyembre 2025, kasabay ng mga ulat na may arrest warrant umano ang International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs.

Noong Pebrero 2026, naghain ng ethics complaint ang grupong “Wag Kang KuCorrupt” laban sa senador dahil sa kanyang matagal na pagliban, at nananawagan na imbestigahan ito at patawan ng kaukulang parusa kung mapapatunayang may paglabag sa Senate rules at ethical standards. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here