Home NATIONWIDE Southern Luzon, Visayas apektado ng Habagat

Southern Luzon, Visayas apektado ng Habagat

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan at maulang panahon ang kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas dahil sa habagat.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang habagat sa Palawan, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm ang kaparehong weather system sa Western Visayas at nalalabing bahagi ng Mimaropa.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC