Home NATIONWIDE Speaker Dy kumpiyansa, 2026 budget mapagkakatiwalaan ng publiko

Speaker Dy kumpiyansa, 2026 budget mapagkakatiwalaan ng publiko

287
0

MANILA, Philippines – Kumpiyensa si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na mapagkakatiwalaan aniya ng taumbayan ang naipasang 2026 General Appropriations Bill na P 6.793 trilyon sa Bicameral Conference Committee.

Pahayag ito ni Dy nang suspendihin ang sesyon bago ang Holiday Season matapos na aprubahan ang badyet sa 2026 sa pamamagitan ng ng kauna-unahang livestreamed bicameral conference committee.

“This was the first open bicam in our history—isang mahalagang hakbang tungo sa mas bukas, mas malinaw, at mas mapagkakatiwalaang proseso ng paggawa ng pambansang budget. Nakapagtapos tayo ng badyet na maaaring pagkatiwalaan ng taumbayan—isang budget na walang insertions, na hindi itinago, hindi minadali, at hindi inilayo, kundi bukas sa mata ng publiko.”

Naniniwala ang speaker na naging makasaysayan ang naging deliberasyon sa Bicam dahil ang proseso ay transparent at klaro aniya ang mga prayoridad.

“This budget is historic—not only because the process was transparent, but because the priorities were clear. It is a budget shaped by love for country, a deep understanding of our people’s realities, and genuine compassion for our kababayan,” ayon kay Dy.

Sinabi pa ni Dy na ang bersyon ng Malaking Kapulungan ng Kongresoi sa 2026 budget ay nagbibigay ng pinakalamalaking alokasyon para sa edukasyon, kalusugan at agrikultura.

Ang sektor ania ng edukasyon ay may pinakamalaking alokasyon sa kasaysayan ng bansa na katumbas ng 4.1 porciento ng gross domestic product, kung saan nakatakda ang pagtatayo ng may 25,000 na silid-aralan, rehabilitasyon at buong pondo para sa restorasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education program.

“This is not just an investment in education. This is an investment in the future of the Filipino nation.”

Sa 2026 budget ay nakapaloob ang pagpapatatag sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Medical Assistance to Individuals and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program upang suportahan ang zero-balance billing para sa mahihirap na pasyente sa lahat ng pampublikong ospital.

“Ang badyet na ito ay hindi lamang mga numero sa papel. Ito ay pagkain sa hapag, gamot sa ospital, at edukasyong magbubukas ng pinto sa mas maliwanag na bukas,” dagdag pa ni Dy.

Muling magbubukas ang sesyon sa Dec. 29 upang maratipikahan ang bicameral conference committee report na pinakahuling pamamaraan bago pa man ito lagdaan ng pangulo at maging isang batas. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here