MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang special non-working days ang ilang petsa sa limang bayan sa Isabela, Cebu, Palawan, Nueva Vizcaya at Davao del Sur para bigyang-daan ang pagdiriwang ng kanilang mga lokal na okasyon.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1450, special non-working day ang Setyembre 28 sa Luna, Isabela, para sa ika-77 founding anniversary nito.
Sa Proclamation No. 1451, special non-working day naman ang Setyembre 29 sa Argao, Cebu, para sa Araw ng Argao.
Sa Proclamation No. 1452, idineklarang special non-working day ang Oktubre 1 sa Aborlan, Palawan, para sa town fiesta nito.
Samantala, sa Proclamation No. 1453, special non-working day ang Oktubre 2 sa Solano, Nueva Vizcaya, bilang pagdiriwang ng Solano Day.
Sa Proclamation No. 1454, special non-working day naman ang Oktubre 5 sa Santa Cruz, Davao del Sur, para sa ika-142 founding anniversary nito.
Layunin ng mga deklarasyon na mabigyan ang mga residente ng pagkakataong makilahok at makapagsaya sa kani-kanilang pagdiriwang.
Nilagdaan ang limang proklamasyon noong Setyembre 24 ni Acting Executive Secretary Ralph Recto sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Pangulo. RNT/MDS