Home NATIONWIDE Special panel binuo ng Ombudsman para sa ‘flood control probe’

Special panel binuo ng Ombudsman para sa ‘flood control probe’

254
0

MANILA, Philippines – Bumuo ang Office of the Ombudsman ng isang special panel of prosecutors para siyasatin ang mga maanomalyang flood control projects sa buong bansa, kabilang na ang posibleng maling paggamit ng pondo ng bayan.

Sa inilabas na kautusan, iginiit ng Ombudsman na tungkulin nitong magsagawa ng imbestigasyon laban sa anumang iligal, hindi makatarungan, o hindi epektibong gawain ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Pangunahan ang panel ni Assistant Ombudsman Caesar Asuncion bilang chair at ni Assistant Ombudsman Maria Olivia Elena Roxas bilang co-chair. Kabilang sa mga miyembro sina Maria Jennifer Lacea, Marie Beth Almero, Maria Karen Veloso, Frederick Aguilar, at Carmelo Gines Jr.

Ang hakbang ay kasunod ng crackdown ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa mga “ghost” at substandard flood control projects, matapos matukoy na 15 contractors ang kumubra ng 20% ng kabuuang P545-bilyong pondo. Sa kanyang SONA, binalaan ni Marcos ang mga opisyal na nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Samantala, ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nitong Lunes, habang magsasagawa rin ng sariling pagdinig ang House Infrastructure Committee sa Martes.

Muling nanawagan si ML party-list Rep. Leila de Lima na magtatag ng independent commission na binubuo ng mga legal experts, auditors, at kinatawan mula sa civil society.

“Ang mga nakikita natin ngayon ay maaaring ‘tip of the iceberg’ lang. Kailangan ng isang patas at malayang body para tuluyang mabunyag ang ugat ng korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno,” ani De Lima. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here