Home NATIONWIDE State of calamity idineklara sa Naga City sa dengue

State of calamity idineklara sa Naga City sa dengue

2
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara ang Naga City government ng state of calamity nitong Martes, Setyembre 9 matapos na umakyat sa 200 ang kaso ng dengue sa lungsod.

Kabilang dito ang anim na nasawi.

Karamihan sa mga kaso ay naitala sa mga barangay ng Cararayan, Carolina at Concepcion Pequeña.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council sa tumataas na kaso ng dengue.

Ipinag-utos ni Mayor Leni Robredo ang mas maigting na cleanup at search-and-destroy operations, partikular sa mga tinukoy bilang potential breeding grounds sa mga lamok.

Ani Robredo, umabot na sa full bed capacity ang Naga City General Hospital dahil sa pagdagsa ng mga pasyenteng na-dengue.

Ikinokonsidera ng lokal na pamahalaan ang paggamit sa mga Super Health Center bilang karagdagang pasilidad sa mga pasyenteng kailangang ma-admit. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here