Home NATIONWIDE State of calamity idineklara sa NegOr sa Kanlaon eruption

State of calamity idineklara sa NegOr sa Kanlaon eruption

MANILA, Philippines – Idineklara ang state of calamity sa buong probinsya ng Negros Oriental upang mas mapadali ang pagtugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Inaprubahan ng provincial board ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na ideklara ang state of calamity sa isang special session na idinaos noong Disyembre 27.

Hanggang noong Disyembre 26, mayroong 1,778 pamilya na binubuo ng 5,802 indibidwal ang nasa 10 evacuation camps sa Canlaon City, Negros Oriental, habang 643 pamilya na may 2,104 miyembro ang tumutuloy sa mga kaibigan at kaanak.

Ang lahat ng 7,816 evacuees ay inilikas mula sa 6-kilometer danger zone ng Bulkang Kanlaon sa bahagi ng Canlaon City.

Maaari lamang ilagay sa state of calamity status ang buong Negros Oriental kung mayroon nang dalawang local government unit ang nagdeklara rin nito. RNT/JGC