Home TOP STORIES STL, jueteng sa Albay kinalos

STL, jueteng sa Albay kinalos

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang mga local Chief Executives ng lalawigan ng Albay sa Bicol Region na tuluyan nang tangalin ang Small Time Lottery (STL) at Jueteng sa kanilang lugar kasunod ng direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ayon sa mga alkalde ay dahil sa ang maimpluwensyang Congressman lamang ang umanoy nakikinabang dito at hindi ang mamamayan ng rehiyon makaraang mabunyag ang paggamit umano ng isang mambabatas sa kanyang impluwensiya upang tuluyang kumubra ng kita mula sa naturang sugal.

Sa press statement lumalabas na minaniobra umano ng isang kongresista ang operasyon ng STL sa lalawigan upang tuluyang pagkakitaan ang jueteng at STL.

Dagdag pa rito na tanging ang kongresistang ito lamang umano ang may patong sa naturang sugal at kahit na galit na ang mga alkalde ay wala silang magawa dahil sa maimpluwensya ito sa kasalukuyang administrasyon.

Binigyang diin ng mga alkalde na mas mabuting itigil na nila ang STL sa kanilang mga lugar dahil wala naman ditong pakinabang ang mamamayan kundi ang naturang kongresista lamang. (Santi Celario)

Previous article114 estudyante sa Bangsamoro nakatanggap ng P10k cash grant
Next articleNuclear war ibinabala ni Putin sa western countries