Home HOME BANNER STORY STS Tino lalong lumalakas; Signal No. 2 nakataas sa ilang lugar sa...

STS Tino lalong lumalakas; Signal No. 2 nakataas sa ilang lugar sa bansa

407
0

MANILA, Philippines – Sa update ng PAGASA nitong alas-4 ng umaga ng Lunes, ang Severe Tropical Storm Tino ay nasa layong 430 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar, taglay ang hanging 110 kph at may pagbugsong aabot sa 135 kph. Kumikilos ito pakanluran timog-kanluran sa bilis na 30 kph.

Maaaring mag-landfall si Tino bilang isang Typhoon (150-165 kph na hangin) sa Eastern Samar, Leyte, o Dinagat sa pagitan ng hatinggabi hanggang unang bahagi ng Martes.

Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na lumakas pa ito sa super typhoon category.

Tatawid si Tino sa Visayas at hilagang Palawan bago lalabas sa West Philippine Sea Miyerkules ng umaga o hapon.

Inaasahan ang matinding pag-ulan sa Visayas, hilagang Caraga, Masbate, at MIMAROPA hanggang Miyerkules.

Wind signal no. 2 ay nasa 11 probinsya na ngayon

• central and southern Eastern Samar

• central and southern Samar

• Biliran

• Leyte

• Southern Leyte

• Camotes Islands

• eastern Bohol

• Dinagat Islands

• Surigao del Norte

• northeastern Agusan del Norte

• northern Surigao del Sur Meanwhile, wind signal no. 1 is hoisted over 25 areas in Visayas and parts of Bicol Region, MIMAROPA, Caraga, and Northern Mindanao.

Maaaring mas maraming lugar pa ang ilalagay sa ilalim ng mga wind signal at ang pinakamataas na babala ng hangin na maaaring itaas ay signal no. 4.

Si Tino rin ay maaari bumuo ng storm surge:

• above 3 meters in southern Eastern Samar

• 2-3 meters over other coasts of Samar Island, Leyte, Dinagat, and Siargao

• 1-2 meters over the rest of Visayas and parts of Bicol, MIMAROPA, Caraga, and Northern Mindanao Widespread and serious flooding and landslides are likely many areas.

Si Tino ay maaaring lumabas ng Philippine area of responsibility sa umaga ng Huwebes. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here