MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado ang paglulunsad ng Student Beep Cards sa LRT-2 Legarda Station. Ang puting beep card ay awtomatikong nagbibigay ng 50% diskuwento sa pamasahe ng mga estudyante sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
“We’re very happy to be able to launch this new system to give the beep cards to our students,” ayon kay Marcos.
Layunin ng programa na gawing mas abot-kaya at maginhawa ang biyahe ng mga estudyante.
May on-the-spot printing din para sa student, senior citizen, at PWD beep cards na inaasahang matatapos sa loob lamang ng ilang minuto mula 7 a.m. hanggang 10 a.m. RNT