MANILA, Philippines – Naghain ng certificate of candidacy si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay nitong Huwebes, Oktubre 3, para muling tumakbo sa kaparehong pwesto sa 2025 national and local elections.
Si Calugay ay naghain ng COC kasama ng mga kapartido nito.
“Para sa patuloy na #SerbisyongMayMalasakit at sama-samang pag-abante ng ating bayan ng Sual, naghain si incumbent Mayor Dong Calugay ng kandidatura para sa reelection kasama ang kaniyang mga kapartido,” saad sa Facebook post ni Calugay.
Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Calugay nang dumalo ito sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators at tinanong sa umano’y personal at business ties kasama si dismissed Bamban, Mayor Alice Guo.
Itinanggi ni Calugay ang pagkakaroon ng romantic relationship kay Guo, sa kabila na may mga ipinalabas na larawan na magkasama ang dalawa. RNT/JGC