Home NATIONWIDE Sual, Mayor na nali-link kay Guo naka-medical leave

Sual, Mayor na nali-link kay Guo naka-medical leave

151
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay si Vice Mayor John Christopher Arcinue bilang acting mayor mula Setyembre 9 hanggang Setyembre 13.

Sa ilalim ng Executive Order No. 045, itinalaga ni Calugay si Arcinue bilang acting mayor “due to [his] ongoing medical concerns.”

“The acting Mayor’s role shall be limited to ensuring the continuity of administrative functions and the delivery of basic services during the Mayor’s temporary incapacity,” saad dito.

Hindi rin nakadalo sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 5 si Calugay, na iniuugnay sa na-dismiss na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, dahil sa dengue.

Samantala, binasa ni Senator Risa Hontiveros ang kanyang executive order sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on women, children, family relations at gender equality.

“Harinawa, within those four days, makadalo na finally si Mayor Calugay sa ating pag dinig,” aniya.

Iginiit naman ni Guo na wala siyang relasyon kay Calugay, na inilarawan siya bilang isang “kaibigan.”

Una rito, ipinag-utos ng komite ang pagpapalabas ng subpoena laban kay Calugay.

Binanggit ni Hontiveros na ito ang pangalawang pagkakataon na nabigo si Calugay sa pagdinig ng Senado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here