MANILA, Philippines – Inatasan ni Senador Risa Hontiveros ang Senate committee on women, children, family relations and gender equality nitong Miyerkules,Hunyo 26 na padalhan ng subpoena si suspended Bamban Mayor Alice Guo at miyembro ng pamilya nito.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na isinagawa ang kautusan matapos mabigong dumalo si Guo at ilang kapatid nito sa ginanap na pagdinig ng Senado hinggil iniimbestigahang isyu sa nilusob na kuta ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Banbam.
Base sa liham, sinabi ni Guo nitong June 25, 2024 na hindi siya makadadalo sa pagdinig dahil hindi siya “fit” na lumahok bilang isa sa resource persona sa imbestigasyon.
“Truth be told, my exposure to prolonged stress and high level of anxiety, owing to the concerning and malicious accusations thrown against me, have adversely affected and caused serious impact on my physical and mental health,” ayon kay Guo.
“More importantly, I have been exposed to public ridicule, humiliation and hatred for several months now, tarnishing my public image, character and reputation. Unfortunately, I have already been prejudged guilty by the public despite the absence of any finding by the courts of law and proper tribunals,” dagdag ng senador.
Binanggit din ni Guo na kumikilos din ang Office of the Ombudsman, the Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa kanya.
Ngunit, ibinasura ni Hontiveros ang paliwanag ni Guo dahil naniniwala ang komite na “fit” ang alkalde sa pagdalo sa Senado.
“Unfortunately, the non-appearance of Mayor Alice Guo is a disregard of the invitation of the committee at kahit may ongoing process sa Office of the Ombudsman, sa BIR o sa PAOCC, hindi ‘yan dahilan na hindi siya nagpakita rito,” ayon kay Hontiveros.
Bukod kay Guo, nagpadala din ng subpoena ang komite kina Jian Zhong Guo, hinihinalang biological mother Lin WenYi, at mga kapatid na sina Shiela, Seimen at Wesley Leal.
Ayon sa secretary ng komite, ipinadala ang subpoena sa abogado ng alkalde pero sinabi nitong hindi siya kumakatawan sa buong pamilya.
Samantala, ipinatawag din ng komite si Nancy Gamo, ang accountant at person in charge sa paghahain ng dokumento ng negosyo ng pamilya ni Guo.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na mahalaga ang pagdalo ni Gamo sa pagdinig dahil lumitaw ang kanyang pangalan ng lahat ng mga kompanya ng POGO.
Natanggap ng tanggapan ni Hontiveros ang sworn statement ni Gamo at hindi nakadalo dahil huli nang makuha ang imbitasyon. Ernie Reyes