Home ENTERTAINMENT Sue at Dom, hinuhulaang sa kasalan mauuwi!

Sue at Dom, hinuhulaang sa kasalan mauuwi!

Manila, Philippines- The more public the place both Sue Ramirez and Dominic Roque are seen, the sweeter they can get.

Ganito ang pag-aanalisa ng mga netizens nang muling makitang magkasama ang rumored couple.

Hindi nga lang tukoy kung saang lugar ang kanilang sighting at kung bakit sila napadpad doon.

Pero isa lang ang tiyak–they were mobbed at panay pa-picture ang mga tao sa kanila.

In fairness, Sue and Dom gamely obliged–earning the admiration of the netizens.

Nu’ng kailan lang, Dominic’s ex-girlfriend Bea Alonzo was quoted to have said na hindi raw “endgame” ang pagpapakasal ng dalawang tao, the netizen perceive otherwise of Sue and Dom.

Obyus daw kasing may indikasyon na sa kasalan mauuwi ang kanilang relasyon.

Teka, are we confirming there already is?

Hindi ba’t ito ang latest na iniulat ni

Ogie Diaz sa kanilang online program?

Ayon kasi sa mga mapanuring netizens, ang gaan-gaan daw pagmasdan sina Sue at Dom.

Umaalingawngaw daw ang positive aura nila–thus, making them an ideal couple.

Napansin din ng mga ito ang pagiging down-to-earth ni Sue, na kahit sa karinderya yayaing kumain ni Dom ay walang pag-aatubiling game sasama.

Talaga bang kailangang magkaroon ng comparison sa “noon” at “ngayon” ni Dominic? Ronnie Carrasco III