Manila, Philippines- The past several months ay lalong sumikat ang talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz dahil sa kanyang mga ulat tungkol sa mga showbiz separations o mga couples na naghiwalay.
Ang lahat ng ito ay agad niyang inirereport sa kanilang Showbiz Update o Ichica Mo Na Dali! online shows.
This time around, hindi another showbiz hiwalayan ang latest scoop ni Ogie.
Ito’y kundi ang pagiging mag-on na nina Sue Ramirez at Dominic Roque.
Quoting his reliable source, kinumpirma nitong magdyowa na ang dalawa na kamakailan lang hogged showbiz headlines dahil sa kanilang kissing video at a bar on Siargao island.
Pero paglilinaw ni Ogie, hindi nga lang daw sure ng kanyang tipster kung gaano na katagal ang relasyong Sue-Dom.
“Pero kung totoo mang mag-on na sila, eh, wala namang masama,” kambyo ni Ogie.
In the first place daw ay wala namang inaagrabyadong tao sina Sue at Dom.
For the record, mismong si Victorias City Mayor Javi Benitez na ang nagsabing ilang buwan na silang break ni Sue.
Despite that, Javi still wishes the best for his ex-flame.
Similarly, matagal na ring noncommittal si Dominic–having broken up with Bea Alonzo.
“Kaya hindi masasabing love on the rebound ‘yung kina Sue at Dom,” pag-aanalisa pa ni Ogie.
In fairness, nakahanap sina Sue at Dominic ng mga shippers rooting for them as a couple.
Since Ogie’s source can vouch for their relationship, hintayin na lang natin ang mismong pag-amin nina Sue at Dom. Ronnie Carrasco III