Home METRO Sugod sa Mega Job Fair sa Maynila!

Sugod sa Mega Job Fair sa Maynila!

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng panibagong job fair ngayong Biyernes, Abril 12, upang magbigay ng oportunidad sa trabaho sa mga residente.

Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na gaganapin ang “Mega Job Fair” sa ground floor ng QQ Mall na matatagpuan sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.

Aniya, ang aktibidad ay sa pakikipag-ugnayan sa QQ Mall at Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) Manila Field Office.

Inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod, hindi bababa sa 1,000 bakanteng trabaho ang iaalok.

Lahat ng walang trabahong residente sa Maynila ay hinimok na lumahok sa job fair.

Pinayuhan ni Lacuna-Pangan ang mga aplikante na magsuot ng casual attire at magdala ng hindi bababa sa sampung kopya ng kanilang resume at sariling ballpen. RNT