Home NATIONWIDE Sulu dapat nang ihiwalay sa BARMM – SC

Sulu dapat nang ihiwalay sa BARMM – SC

218
0

MANILA, Philippines – Ipinaalala ng Supreme Court (SC) na dapat agarang ipatupad ang pg-alis ng lalawigan ng Sulu mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kahit may nakabinbin na apela laban sa desisyon ng korte.

Sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na “effective immediately” ang naging desisyon ng SC na dapat sundin ng lahat.

“There would be no reason for the Court to say it was immediately executory if it intended otherwise,” ani Ting.

Ang paglilinaw ni Ting ay bunsod ng pahayag ni Senador Grace Poe na kasama pa ang Sulu sa inilaan na budget para sa BARMM habang nakabinbin ang motion for reconsideration ng Bangsamoro government sa SC.

Sinabi ni Poe na wala pang pinal na desisyun ang SC kung kaya mananatili ang P9-billion block grant.

Gayunman, iginiit ni Ting na inilabas ng SC ang kautusan na “immediately executory” upang hindi mabalam ang eleksyon sa BARMM.

Nakatakdang idaos sa BARMM ang una nitong parliamentary elections sa May 2025. Hindi na kasama ang Sulu sa eleksyon bunsod ng naging desisyun ng SC. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here