Home METRO Sundalo sugatan, 21 terorista arestado sa engkwentro

Sundalo sugatan, 21 terorista arestado sa engkwentro

186
0

COTABATO- Sugatan ang isang sundalo habang nadakip ang 21 teroristang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Dawlah Islamiya matapos makaengkwentro ng militar, iniulat kahapon sa bayan ng Aleosan.

Nilapatan ng lunas ang sugatan na si Cpl. Roy Villaber, kasapi ng 34th Infantry Battalion habang nasa kustodiya ang 21 terorista.

Ayon kay 34th ID kay Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division at pinuno ng anti-terror Joint Task Force Central, bandang alas-4 ng hapon nanag magsimula ang bakbakan sa Barangay Bagolibas sa Aleosan, Cotabato.

Sinabi ni Nafarrete, nakatanggap sila ng report mula sa mga residente hinggil sa mga armadong kalalakihan sakay ng dalawang multicab na pinangungunahan ng nagngangalang Commander Montasser at isang Commander Nasser.

Pagdating ng mga sundalo sa naturang lugar ay agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng teroristang grupo na ikinasugat ng sundalo at tatlong terorista.

Gumanti naman ng putok ang militar na nagresulta sa pagkakadakip sa 21 kasapi ng BIFF-DI at pagkumpiska ng 5-M16 rifles, 2-M14 rifles, granada at mga gamit sa paggawa ng malalakas na klase ng improvised explosive devices.

Inihanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek sa mga nadakip na terorista. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here