Home NATIONWIDE Sunog noong Disyembre 2023, mas mababa kumpara noong 2022 – BFP

Sunog noong Disyembre 2023, mas mababa kumpara noong 2022 – BFP

MANILA, Philippines – Mas mababa ang naitalang sunog noong Disyembre 2023 kumpara sa kaparehong buwan noong 2022, sinabi ng Bureau of Fire Protection nitong Lunes, Enero 1, 2024.

“Ito po ay 97 fire incidents kumpara noong nakaraang taon [na] 249, sa [National Capital Region] po ito,” pahayag ni BFP spokesperson Fire Superintendent Annalee Carbajal-Atienza.

“Iyong nationwide naman po ng buwan ng Disyembre ay 1,024 kumpara nitong nakaraang taong 2022 ay 1,090,” dagdag ni Atienza.

Sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na ulat ng firecracker-related fire incidents mula noong Disyembre 24 kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ang pagbaba sa bilang ng sunog ay dahil na rin sa public awareness, local firecracker bans at visibility ng mga fire truck.

Nakatakdang alisin ng BFP ang red alert status sa Martes, Enero 2, ani Atienza. RNT/JGC

Previous articlePresyo ng LPG tumaas sa unang araw ng 2024
Next articlePolusyon sa Makati ngayong Bagong Taon, ‘acutely unhealthy’ – DENR