MANILA, Philippines – Isang sunog ang lumamon sa ilang kabahayan ng isang residential area nitong Huwebes ng hapon, Abril 30 sa bahagi ng Village 8, Habay 1, Bacoor City, Cavite.
Baae sa report mula sa Cavite Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nagsimulang magliyab ang apoy bandang 1:42 ng hapon nang itaas sa unang alarma.
Dahil sa light materials ang karamihan sa nakatayong bahay ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa itinaas ito sa 2nd alarm bandang 1:56 ng hapon.
Mabilis namang rumesponde ang mga bumbero at iba pang rescue team upang maapula ang apoy at maiwasan na madamay pa ang ilang kabahayan sa lugar.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing insidente habang inaalam pa rin kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng natupok na ari-arian. Margie Bautista