Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa Camp Crame

Sunog sumiklab sa Camp Crame

388
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa compound ng Philippine National Police-Explosives and Ordinance Division/Canine Group (EOD/K9 Group) sa Camp Crame sa Quezon City nitong Miyerkules, Setyembre 24.

Ang sunog ay nagsimula 12:41 ng madaling araw na agad tinugunan ng Base Fire Section Emergency Team at Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City.

Umabot sa unang alarma ang sunog bago ito idineklarang fire out bandang 1:57 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here