MANILA, Philippines -Nasa pitong bahay ang nilamon ng apoy sa sumiklab na sunog sa Las Piñas City Sabado ng madaling araw, Setyembre 28.
Ayon kay F/Chief Inspector Garynel Julian ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas 2:00 ng madaling araw sa isang unit ng apartment na tinutuluyan ng isang Walter Rosita sa St. Mary Homes, Almanza 1, Las Piñas City.
Sinabi ni Julian na mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing dikit-dikit na bahay kung saan nai-angat sa ikalawang alarma ang sunog bandang alas 2:24 ng madaling araw.
Dagdag pa ni Julian na nahirapan silang apulain kaagad ang apoy dahil bukod sa makitid na kalsada sa lugar ay decongested pa ito at marami pang nakikiusyoso.
Mahigit sa sampung sampung firetrucks at volunteer fire brigade ang rumesponde sa lugar na angtulong-tulong kung kaya’t naideklara ang fire under control ng 3:40 ng madaling araw.
Wala naming naiulat na nasaktan o nasawi habang patuloy naman ang imbestigasyon dito upang malaman ang dahilan ng pinagmulan ng apoy pati na rin ang halaga ng napinsalang ari-arian sa naturang sunog. James I. Catapusan