Home HOME BANNER STORY Sunog sumiklab sa opisina ng DPWH sa QC

Sunog sumiklab sa opisina ng DPWH sa QC

403
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa NIA Road sa Barangay Pinyahan, Quezon City nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 22, ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR).

Sa ulat, iniulat ang sunog 12:39 ng tanghali at umabot sa ikatlong alarma pagsapit ng 12:56 ng hapon.

Mayroong 10 fire truck ang rumesponde sa lugar.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung mayroong nasawi, nasaktan at ang halaga ng pinsala sa sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here