Home METRO Sunog sumiklab sa residential area sa Intramuros

Sunog sumiklab sa residential area sa Intramuros

MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang sunog sa residential area sa Intramuros, Manila nitong Sabado ng gabi, Agosto 5.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog sa Barangay 650 dakong 4:57 ng hapon.

Umabot pa sa ikaapat na alarma ang sunog bandang 5:16 ng hapon.

Nangangahulugan ito na nasa 8 hanggang 9 na bahay na, o isang high-rise building ang apektado ng sunog.

Nasa kabuuang 14 na fire trucks ang ipinadala upang rumesponde sa sunog.

Iniulat ng BFP na fire under control na ang sunog 8:13 ng gabi.

Wala namang nasawi sa sunog. RNT/JGC