Home NATIONWIDE Sa kabila ng heatwave warning, world scout jamboree sa SoKor itinuloy!

Sa kabila ng heatwave warning, world scout jamboree sa SoKor itinuloy!

SOUTH KOREA – Sa kabila ng mga heatwave warnings, nagdesisyon ang South Korea na ituloy pa rin ang World Scout Jamboree.

Nauna nang nagpull-out ang United States at United Kingdom ng kanilang mga contingents bago rito.

Kasabay ng jamboree, libo-libong mga scouts edad 14 hanggang 18 anyos ang nagtungo sa Saemangeum, malapit sa bayan ng Buan sa South Korea.

Sa pagpalo ng temperatura sa 33 degrees Celsius, mahigit isandaang kalahok ang nahilo at nagkasakit dahil sa mainit na panahon, dahilan para mabahala na ang mga magulang sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Nangako naman ang pamahalaan ng mas marami pang water trucks, air-conditioned spaces at medics upang maituloy pa rin ang naturang event, na tatakbo hanggang Agosto 12.

Hanggang nitong Sabado, Agosto 5, mayroong 42,593 participants mula sa mahigit 150 bansa ang nag-camping sa site sa Saemangeum.

Ayon naman kay South Korean Prime Minister Han Duck-soo told, sa isinagawa niyang konsultasyon sa iba’t ibang bansa, nagdesisyon ang pamahalaan niya kasama ang Korea Scout Association na ituloy pa rin ang jamboree.

Bago nito, sinabi ng World Organization of the Scout Movement na ikokonsidera nila ang “alternative options to end the event earlier than scheduled”, at susuportahan ang mga lumahok hanggang sa makauwi sila sa kani-kanilang mga bansa. RNT/JGC