Home METRO Sunog sumiklab sa Sta. Cruz, Maynila

Sunog sumiklab sa Sta. Cruz, Maynila

4
0

MANILA, Philippines – Madaling araw nitong Linggo, Hunyo 7, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Felix Huertas Street kanto ng Yuseco Street sa Sta. Cruz, Maynila, dahilan upang agad rumesponde ang mga bumbero.

Ayon sa paunang ulat, naganap ang sunog sa tapat ng Vertex One condominium complex at Cecilio Apostol Elementary School.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang unang alarma bandang 3:10 a.m. habang sinisikap ng mga bumbero na pigilan ang pagkalat ng apoy sa mga kalapit na bahay sa mataong komunidad.

Rumesponde ang mga fire truck mula sa iba’t ibang volunteer at government fire brigades at agad nagsagawa ng fire suppression operations.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at lawak ng pinsala habang nananatili sa lugar ang mga bumbero upang matiyak na tuluyang naapula at nakontrol ang sunog. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here