MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang ilang bahay sa Tioco Riverside, Barangay 91, Tondo, Maynila bago mag-umaga nitong Sabado.
Ayon sa ulat, unang itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-3:31 ng madaling-araw bago itinaas sa ikalawang alarma alas-3:42.
Itinaas naman ng Bureau of Fire Protection (BFP)-National Capital Region Tondo Substation sa ikatlong alarma ang sunog dakong alas-3:52 ng madaling-araw.
Idineklarang under control ang sunog alas-4:57 ng umaga at tuluyang naapula alas-6:09.
Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala sa mga ari-arian. RNT/MDS