Manila, Philippines- Sa gitna ng pinag-uusapang isyu ng negosyanteng si Atong Ang ay nanatiling tahimik ang kanyang jowa, ang aktres na si Sunshine Cruz.
Wala naman kasing dapat ipaliwanag si Sunshine dahil hindi naman siya sangkot sa isyu, huh!
Ang latest nga ay nagsampa na ng reklamo si Mr. Atong laban sa isang alyas Totoy na nagparatang sa kanya at sa aktres na si Gretchen Barretto na sangkot daw sa kontrobersiyal na kaso ng 34 nawawalang sabungero.
Hiningan namin ng komento si Sunshine hinggil dito.
Pero kagaya ng dati ay ayaw magbigay ng kahit na anumang statement ang premyadong aktres.
Tungkol naman sa isyung hiwalay na raw sila ni AA ay wala ring direktang sagot si Sunshine.
Hindi na nga naman sila mga bata para pag-usapan pa in public ang lovelife nila.
48 years old na si Shine at 66 years old na si AA and one more thing, hindi showbiz ang huli kaya hindi na dapat gawing isyu ang mga bagay na yun.
Sa kabila ng mainit na isyu ay nanatiling tahimik si Sunshine.
Well, Sa ganang amin at sa pagkakakilala namin sa isang Sunshine Cruz ay hindi siya ang tipong nang-iiwan sa isang mahal sa buhay sa anumang laban nito, huh!
As long as mahal siya ng tao ay mamahalin din niya ito sa abot ng kanyang makakaya, huh! Jimi Escala