Home NATIONWIDE Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 jackpots sabay na natumbok

Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 jackpots sabay na natumbok

MANILA, Philippines – Dalawang maswerteng mananaya ang nanalo ng Super Lotto 6/49 at Lotto 6/42 jackpot prize nitong Huwebes, Agosto 1, 2024.

Nahulaan ng isang manlalaro ang panalong kumbinasyon ng 31-02-27-41-17-12 para maiuwi ang P20,077,863.20 jackpot sa Super Lotto 6/49.

Habang naiuwi rin ang Lotto 6/42 jackpot na P14,733,011.60 kung saan nahulaan ang 03-15-11-17-19-13 na winning digits. RNT