Home OPINION SUPORTA NG NTF-ELCAC SA AFP at PCG

SUPORTA NG NTF-ELCAC SA AFP at PCG

KAMAKAILAN nagpahayag ng pagsuporta itong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa katatagan ng Armed Forces of the Philippines at  Philippine Coast Guard kaugnay sa kanilang ipinakita sa huling girian sa pagitan ng China militia at ng ating mga tropa sa may West Philippine Sea.

Nagpakita ng katapan  at katapangan na ipagtanggol ang bayan ang mga tropa ng ating pamahalaan nang harangin sila ng China upang makapaghatid ng supply sa MB Sierra Madre na siyang poste natin para bantayan ang bahagi ng karagatan na iyon, na pilit na inaaagaw ng mga Tsekwa.

Ang katapangan at propesyonalismo na ipinakita ng ating mga sundalo sa pangyayaring iyon ay kailangan talagang bigyan ng kahalagahan sapagkat  nanganaghulugan ito na ang ating mga kawal ay handa talagang ibuwis ang kanilang buhay para sa bayan.

Hindi naman natin hinahangad na mapunta sa ganoong pangyayari ang mga giriang ganyan sa WPS. Ngunit sa mga ganitong pagkakataon, ipinakikita ng ating kasundaluhan ang kanilang kahandaan at katapangan upang ipaglaban ang bayan sa mga dayuhan.

Ang kakaibang tapang na ito na sinamahan pa ng mahabang pasensiya, dahil hindi naman sila nagpakita ng kakayahang sabayan ang mga agresibong Tsekwang humarang at nanakit sa kanila, ay dapat nating saluduhan pa.

Nasa wastong isip pa rin ng ating mga kawal, ang kahalagahan na pairalin ang kapayapaan lalo na sa rehiyon. Lahat ay nakamasid na sa mga girian na ‘yan, at kundi talaga mama-manage ang mga girian na yan, pihadong sisiklab ang digmaan.

Ang ganitong postura, ayon na rin kay Pangulong Bong Bong Marcos, ay hindi nangangahulugan nang pagsuko, kundi nang  pagtutol sa anomang makakagulo sa kapayapaan sa mundo.

“At this critical juncture, we call upon every Filipino to unite and rally behind the AFP, PCG, and all other front liners in the West Philippine Sea. Their mission to defend our territory and safeguard our rights and interests is not solely a military endeavor but a national cause that requires the solidarity and support of every citizen. Our sovereignty and the future of our nation depend on our collective resolve to stand together as one people united in defense of our rights and freedoms,”  pahayag ng NTF-ELCAC.

Hinihikayat din ng task force tayong lahat na mga Filipino na magpakita rin ng ganitong pagsuporta sa tropa ng ating pamahalaan. Tutulan ang anumang agresibong pananakop ng ating mga teritoryo at huwag papadala sa anumang mga maling balita at propaganda.

Ipakita natin na tayo ay nakgkakaisa at handang iaalay ang suporta sa anomang pagtatangkang pananakop.

Ito ay ‘di lamang para sa Tsina, kundi sa lahat ng bansa sa mundo, na ang mga Filipino ay para sa Pilipinas.

Mabuhay ang Bagong Pilipinas!