Home HOME BANNER STORY Suspek sa pagpatay sa empleyado ng Meralco sumuko sa Cavite

Suspek sa pagpatay sa empleyado ng Meralco sumuko sa Cavite

313
0

MANILA, Philippines – Sumuko na kay Imus City Mayor Alex Advincula ang suspek na bumaril at pumatay sa empleyado ng Meralco dahil umano sa gitgitan sa kalsada sa Brgy. Salitran 4, Dasmarinas City, Cavite

Ipinrisinta nina SILG Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief, PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. Governor Abeng Remulla at Imus Mayor Alex Advincula ang suspek sa isinagawang Presscon sa opisina ng SILG sa Quezon City.

Sa panayam kay Mayor Advincula, nakatanggap ito ng tawag mula sa isang kaibigan na taga-Imus City at sinabi ng kamag-anak ng suspek sa Cavite road rage na gusto na umano nitong sumuko.

Agad na nakipag-ugnayan si Advincula kay Remulla at sinamahan ang suspek kasama si Dasmarinas City Chief of Police, Police Lt Col Regino Oñate.

Kinilala ang suspek na si alyas Jeff, 44 anyos, residente ng nasabing lungsod.

Matatandaan na binaril ng suspek ang biktimang si alyas Mayo, 54 anyos habang sakay ng sasakyan ng Meralco na nakatigil dahil sa trapik sa kahabaan ng Salitran Highway.

Dito na tinapatan ng suspek sakay ng kanyang Toyota Corolla na may plate number na TPJ 294 ang biktima saka pinagbabaril bago tuluyang tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente, nagkagirian na umano ang mga ito bago pa dumating sa traffic light sa Salitran.

Sa tulong ng mga CCTV footage at ilang witness gayundin ng LTO, kaagad na nakilala ang suspek.

Sa kasalukuyan ay patuloy iniimbestigahan ng pulisya kaugnay sa nasabing krimen. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here