Home METRO Suspek sa pagpatay sa IP leader sa Maguindanao Sur, arestado

Suspek sa pagpatay sa IP leader sa Maguindanao Sur, arestado

242
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa lider ng Indigenous Peoples (IP) na si Ramon Lupos sa Maguindanao del Sur noong Setyembre 30, ayon sa militar nitong Sabado.

Kinilala ni Brig. Gen. Edgar Catu, commander ng 601st Infantry Brigade, ang suspek bilang si alyas “Tagal,” 40, miyembro ng grupong Dawlah Islamiyah.

Naaresto siya sa Barangay Tukanalugong, Datu Abdullah Sangki, sa bisa ng warrant of arrest. Narekober sa kanya ang isang kargadong kalibre .45 baril.

Si Lupos, 60, ay pinugutan umano ng mga armadong lalaki na tangkang agawin ang kanyang taniman ng mais sa Barangay Limpongo, Datu Hoffer Ampatuan.

Ayon kay Catu, ang pagkakaaresto kay Tagal ay patunay ng determinasyon ng pamahalaan “na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at protektahan ang mga sibilyan laban sa terorismo.”

Si Lupos ang ika-102 na miyembrong IP na pinaslang sa rehiyon ng Bangsamoro mula 2019. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here