Home NATIONWIDE Sweden, Poland, Romania, Lithuania lumahok sa Asean amity treaty

Sweden, Poland, Romania, Lithuania lumahok sa Asean amity treaty

1
0

MANILA, Philippines – Pormal nang lumahok ang Sweden, Poland, Romania at Lithuania sa Treaty of Amity and Cooperation sa Southeast Asia (TAC) nitong Biyernes, Hulyo 24.

Sila ang mga pinakabagong bansa na nag-commit sa principles of peaceful relations and cooperation ng regional pact.

Ang apat na European countries ay pumirma ng kanilang instruments of accession sa seremonya na pinangunahan ng Pilipinas bilang chair ng Association of Southeast Asian Nations (Asean).

Sinabi ni Foreign Secretary Ma. Theresa Lazaro na ang accessions ay nagpapakita na ang mga prinsipyo ng TAC ay higit pa sa Southeast Asia.

“Where the TAC was originally conceived in Southeast Asia, its principles have never been confined by geography,” sinabi ni Lazaro.

“What began as a regional landmark document among five nations has since evolved into something far greater in scope and enduring in character.”

Ang signing ceremony ay bahagi ng Commemorative Activity para sa 50th Anniversary ng TAC.

Pinirmahan ang treaty noong 1976 sa kauna-unahang ASEAN Summit sa Bali, Indonesia ng limang founding members ng bloc na Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore at Thailand.

Naglalatag ito ng commitments sa mga estado na irespeto ang soberanya at territorial integrity, iwasan ang pakikialam sa internal affairs, ayusin nang mapayapa ang mga gusot at iwasan ang pagbabanta o paggamit ng pwersa.

Ang accession ng apat na bansa ay nagdala sa bilang ng TAC High Contracting Parties sa 58. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here