Manila, Philippines – Looking forward si Sylvia Sanchez sa ipinrodyus na first major concert ng kinabibiliban niyang singer na si Juan Karlos o JK Labajo.
To be mounted at the SM Mall of Asia Arena on November 29, literal daw niyang kinalampag si JK.
Hindi raw ito tinigilan ng actress-producer hangga’t hindi napapayag.
As we all know, by choice ang pag-i-slow down ni Sylvia sa paggawa ng mga TV projects.
She has her hands full habang nakatutok sa family-owned Nathan Studios which initially ventured into producing TV materials and distributing foreign films.
Nagkaroon pa nga ng tsika na papasukin na rin ni Ibyang ang pulitika.
Pag-amin niya: “Kinausap ako ng mga tao kasi visible naman ako sa mga projects ni Cong. Arjo Atayde.”
Hinihimok daw si lbyang na tumakbo sa parehong distrito bilang Konsehal.
“I’m not closing my doors. Pero hindi ngayon, maybe later on,” pangungumpisal ng aktres.
Isinasaalang-alang ni Sylvia ang kahandaan by equipping herself with the proper qualifications.
“Mag-aaral muna ako para magkaroon ng knowledge sa batas.
“Gusto ko, handa ako pag tumakbo ako!” aniya. Ronnie Carrasco III