Home NATIONWIDE Taas-presyo sa LPG sumalubong sa Setyembre!

Taas-presyo sa LPG sumalubong sa Setyembre!

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ng taas-presyo ang mga fuel company para sa liquefied petroleum gas o LPG simula ngayong araw, Setyembre 1.

Inanunsyo ng Solane at Petron na tataas ng P0.55 kada kilo ang presyo ng household LPG.

Umepekto ang price increase 12:01 ng umaga para sa Petron at alas-6 ng umaga para sa Solane.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of September,” saad sa abiso ng Petron.

Sa datos mula sa Department of Energy, ang presyo ng 11 kilogram household LPG ay mula P840 hanggang P1,087 sa Metro Manila noong Agosto. RNT/JGC