Home HOME BANNER STORY Taas-sahod sa NCR dedesisyunan na sa Hulyo 16

Taas-sahod sa NCR dedesisyunan na sa Hulyo 16

MANILA, Philippines – Inaasahang ilalabas na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (RTWPB-NCR) ang desisyon nito sa petisyon na itaas ang daily minimum wage sa rehiyon bago ang Hulyo 16.

Ang RTWPB ay nagsagawa ng open forum kasama ang ibat-ibang stakeholders kaugnay sa isinusulong na wage increase .

Ayon sa ulat, hirit ng ilang grupo ang P150 umento, habang ang iba ay humihingi ng umento ng P597 o kahit hanggang P750.

Sinabi ni Carlos Miguel OƱate, Trade Union Congress of the Philippines legislative officer na mas mababa pa sa poverty threshold ang sahod na naiuuwi ng isang minimum wage earner sa NCR .

Ang huling minimum wage increase sa NCR ay naipatupad noong Hulyo 16 ,2022 sa P610 para sa non-agricultural sector at P573 para sa agriculture sector.

Ngunit P40 lamang ang umento na sinabi ng mga manggagawa na hindi pa rin sapat para makasabay sa presyo ng mga bilihin.

Nagbabala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na ang malaking pagtaas ng sahod ay maaaring makapagpapahina ng loob sa mga dayuhang mamumuhunan dahil sa mataas na halaga ng negosyo.

Tiniyak ng wage board na isaalang-alang nila ang lahat ng opsyon bago ilabas ang desisyon sa susunod na buwan.

Sinabi ni RTWPB-NCR board chairperson Sarah Buena Miradol na magbabase ang kanilang desisyon sa lahat ng inputs , alalahanin, komemto ng lahat ng sektor. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)