Home HOME BANNER STORY Takbo ng prusisyon, bumagal bandang Finance Rd sa atras-abante ng mga deboto

Takbo ng prusisyon, bumagal bandang Finance Rd sa atras-abante ng mga deboto

221
0
oppo_2

MANILA, Philippines – Umabot na ng mahigpit na apat oras ang tagal ng prusisyon mula nang umarangkada bandang alas-3:58 ng madaling araw sa Quirino Grandstand.

Bagamat may pagbabago sa andas ng Poong Jesus Nazareno, hindi pa rin maiwasan ang pagsampa ng mga deboto sa andas, lalo na ang mga kabataan.

oppo_2
oppo_2

Bumagal ito sa bahagi ng Katigbak Drive patawid ng P. Burgos patungong Finance Road, patawid naman ng ilalim ng LRT sa kahabaan ng Ayala Blvd sa Taft Avenue patungong Ayala Bridge, dahil bumuhos na ang mga deboto na nais masilayan si Jesus Nazareno.

Atras-abante ang nangyari sa pag-usad ng Traslacion dahil sa kanya-kanyang paghatak ng lubid para maisalya ang andas.

May ilan ding mga deboto na kailangang ilabas sa alon ng mga tao dahil nahihirapan nang huminga dahil sa pagkakaipit sa matinding siksikan at balyahan.

Sa ngayon, sa bahagi pa rin ng Ayala Blvd ang Traslacion, na inaasahang aabutin ng mahigpit na sampung oras.

Milyong-milyong deboto naman ang inaasahang lalahok sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here