Home NATIONWIDE Talamak na korapsyon sa BIR, pinatutuldukan sa Senado

Talamak na korapsyon sa BIR, pinatutuldukan sa Senado

164
0

Magkasabay na inihirit ni Senador Alan Peter Cayetano sa Senado na tuldukan ang talamak na korapsiyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpapahirap sa negosyante at manggagawa.

Kasabay nito, sinabi ni Cayetano na habang hinihimay ng Senado ang tamang tax incentives kailangan din bigyan ng tamang sahod ng manggagawa na magsisilbing panlaban sa korapsiyon sa BIR.

Sa kanyang manipesasyon sa deliberasyon ng Committee Report No 263, sinabi ni Cayetano na magkakaugnay ang korapsiyon, pagbibigay ng tax incentives at sahod ng manggagawa upang tuluyan nang umunlad ang ating ekonomiya na pakikinabangan ng bansa.

Tinatalakay ng Senado ang Committee Report No. 263, ang bersyon ng pinagsama-samang panukalang batas na naglalayong pagandahin pa ang tax incentives sa bansa.

“Sana po kapag ginawa nating urgent ito, urgent din y’ung concern na paano natin maaayos na may kumpyansa at walang lagayan sa BIR [at] paano rin natin siguraduhin na tumaas ang suweldo ng ating laborers,” panawagan sa kapwa senador.

Binanggit din ni Cayetano ang matagal nang korapsyon sa ahensya ng gobyerno na kumokolekta ng buwis, na dapat din tugunan para sa ikauunlad ng negosyo.

“Tayo (Pilipinas) ang pinakamataas ang tax rate [kumpara sa mga karatig-bansa] kasi tayo rin ang pinakamalakas sa lagayan. Twenty-five percent nga ang kinuha ng gobyerno, ang dineclare mo lang kalahati lang, o ‘di 12.5% lang ang binayad mo,” aniya.

“I’m not pointing fingers here now (and saying) na kasi may mga negosyanteng corrupt, or kasi may corruption sa BIR. Wala namang perfect eh. But that’s why inaayos natin ang sistema,” dagdag niya.

Ani Cayetano, alam niyang “kailangang, kailangan” sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang mga batas na makapagpaparami at makapagpapalago sa mga negosyo, pero dapat itong diskusyunan “holistically” at “comprehensively”.

“Sana mapag-usapan din natin y’ung ano ba ang tamang amount na hindi naman tutumba o malulugi y’ung mga negosyo, pero at the same time y’ung ating laborer at manggagawa na kumita ng living wage,” pahayag ng Senador.

Ibinigay niyang halimbawa ang “napakaliit” na P35 na umento ng mga manggagawa sa National Capital Region na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region (RTWPB-NCR) nitong Hulyo.

“I-compare natin y’ung in-approve ngayon na tranche para sa gobyerno, makikita mo hindi living wage ang ating minimum wage,” aniya.

Tinawag ni Cayetano ang mga negosyo bilang “the goose that lays the golden egg” pero iginiit niya na sa pagprotekta sa mga ito, dapat ding mapangalagaan ang mismong mga trabahador nila.

“Parati nating sinasabing don’t kill the goose that lays the golden eggs. Pero yumayaman nang yumayaman y’ung may-ari ng [goose] who lays the golden eggs, habang y’ung nag-aalaga ng [goose] e pahirap nang pahirap,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here