Home ENTERTAINMENT Tambalan muli nina Kathryn at Albie, kinakasa ng mga netizens!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tambalan muli nina Kathryn at Albie, kinakasa ng mga netizens!March 26, 2025 18:50 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Marami pa ring fans ang nagpupumilit na i-relaunch ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Albie Casiño.Matatandaang panahon ng Mara Clara nang mabuo ang kanilang tambalan.Mainit ding tinanggap ang kanilang screen partnership to the point na ikinasa na ang kanilang followup project.Supposedly, Kathryn and Albie would have been cast in Growing Up, still on ABS-CBN.Kaso, biglang pumutok ang balitang nabuntis daw ni Albie si Andi Eigenmann, which was later proven wrong.Tulad kasi ng alam ng lahat, it’s Jake Ejercito who sires Ellie na panganay ni Andi.As a result, nabantilawan ang sana’y papaakyat pang career noon ni Albie who lost his part in Growing Up.Albie’s loss was Daniel Padilla’s gain.Doon na kasi nagsimula ang KathNiel tandem.Now that Daniel is already out of the picture, marami ang gustong ibalik ang Kathryn-Albie loveteam.Ang tanong: is Albie open to working with her again?The answer is “no.”Ani Albie, unang-una na raw ay wala na siya sa Star Magic kaya imposible.Kung makatrabaho ang dating kalabtim muli, generally ay wala raw siyang offer na tinatanggihan.Kaso nga lang din, dahil nasa pangangalaga na siya ng Viva ay mas nalilinya na ngayon si Albie sa mga mapangahas na role.Bakit, si Kathryn din naman ah who has shed off her patweetums image! Ronnie Carrasco III