CAVITE- Pormal nang naghain sa huling araw ng COC ang mga politikong tatakbo sa darating na eleksyon sa lalawigan ng Cavite.
Pinangunahan ito ng tambalang Remulla- Revilla bilang gobernador at bise gobernador ng lalawigan kung saan si Abeng Remulla, bunsong anak ni Secretary of Justice Boying Remulla, ang tatakbo bilang gobernador habang ang bunsong anak din ni Senator Bong Revilla na si Ram Revilla ang kakandidatong bise gobernador nito.
Sa ikatlong distrito naman ng lalawigan ay si AJ Advincula ang tatakbo bilang 3rd District Congressman, anak ni Imus Mayor Alex ” AA” Advincula, kung saan makakatunggali nito sa pagka-kongresista si Imus ex- Mayor Emmanuel Maliksi.
Sa lungsod ng Imus, muling naghain ng kaniyang kandidatura si incumbent Alex AA Advincula sa kanyang ikalawang termino na posibleng walang makalaban ngayong halalan.
Dagsa rin ang mga konsehal, board member at mga kongresista ng lalawigan, gayundin ang mga konsehal ng bawat lungsod at bayan.
Ginanap ang paghahain ng mga COC sa lungsod ng Trece at lungsod ng Imus sa nasabing lalawigan.
Samantala, ngayong araw din nanumpa si dating Cavite Gov. Jonvic Remulla bilang bagong DILG secretary. Nanumpa na rin bilang kahalili nito sa pagkag-obernador ng lalawigan ang bise gobernadoa na si Athena Tolentino pamangkin ni Senator Francis Tolentino. Margie Bautista