Home METRO Tambay naghamon ng away, huli

Tambay naghamon ng away, huli

1
0

MANILA, Philippines – REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na tambay nang magwala sa harap ng bahay ng kaaway habang armado ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Benliner Capili, nagtungo ang suspek sa harap ng bahay ng 34-anyos na kanyang kaaway sa Brgy., Gen T. De Leon alas-10 ng gabi at nagsisigaw na pinalalabas ang construction worker habang armado ng baril na lumikha ng pagkabahala sa mga residente sa lugar.

Nakapagresponde naman kaagad ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento nang matanggap ang tawag ng nahintakutang residente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska ng mga operatiba ng Police Sub-Station 2 sa suspek ang isang kalibre .22 magnum revolver na kargado ng tatlong bala at walang kaukulang dokumento.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong Grave Threat, Alarm and Scandal, at paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here