MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang natatanging dahilan lamang para pumasok sa politika ay ang maglingkod.
“I think you’re well-guided so long as you enter politics for the right reason. And there’s only one right reason: To serve,” ang sinabi ni Pangulong Marcos nang tanungin kung ano ang kanyang maibibigay na payo sa mga naghahangad na maging public servants.
“There’s no other correct reason. It’s a thankless job, that’s for sure,” ang sinabi pa rin ni Marcos sa kanyang three-part podcast na inilabas ngayong linggo.
Habang ang pagiging public servant ay isang demanding job, sinabi ni Pangulong Marcos na ito’y “worth it.”
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang trabaho ay naging ‘worth it’ kapag nagagawa mong mabago kahit buhay ng isang tao.
“But it’s worth it. You know, it’s worth it. You know, when you see something change for the good that you made it, you made it happen, ikaw ang may – that changes your world,” aniya pa rin.
“There’s nothing better than to help somebody outside of yourself, outside yourself, outside your family, your community, your country,” dagdag na pahayag nito.
“May nagawa ka. Nagbago yung buhay ng tao. Can you imagine? Binago mo yung buhay ng tao. What a privilege to be able to do that?” ang pahayag nito.
Bilang Pangulo, nais niya na ang reporma niyang nagawa na ipinatupad niya sa panahon ng kanyang termino ay mananatili matapos ang kanyang pagkapangulo.
“My hope and the reason of the structural change is important is because kahit wala na ako rito, sana yung mga pagbabago ng nasimulan namin o na tumatakbo na, matuloy tuloy na para hindi na matanggal,” ang sinabi ni PangulongMarcos sa kanyang podcast.
“Do it in such a way that it will continue, it will even get better, especially if we choose our presidents well,” diing pahayag nito. (KRIS JOSE)