Home NATIONWIDE Tangkang pagnanakaw sa 7-11 at hostage taking, nabigo

Tangkang pagnanakaw sa 7-11 at hostage taking, nabigo

MANILA, Philippines – Nabulabog ang Malibay District community pasado alas dos ng madaling araw ng Miyerkules nang pasukin ng isang lalaki ang 7-11 convenience store sa C Jose St. corner EDSA , Brgy. 159 Malibay, Pasay City at nanggulo sa loob bago tinangkang i-hostage ang isang residente ng Maricaban.

Nagkaroon ng pagkakataong magsumbong sa STOC ang store manager ng convenience store na si John Philip Clave nang magkulong sa loob ng CR sa second floor si alyas Jay Are, kaya naging mabilis ang pag-aksyon ng Substation 6 personnel at maging ng SWAT Pasay.

Sa unang imbestigasyon ng mga Personnel ng Sub-station 6, Pasay CPS sa pangunguna ni PLt. Claver Lang-ay kasama sina PEMS Frandy Laygo at PCMS Gary Ferreras, pinasok ng suspek na si Jay Are Solis ang 7-11 Convenience store sa EDSA kanto ng C Jose saka nanggulo at nanira ng mga paninda.

Tinangka ring sakalin at ihostsge ng suspek ang customer/na kinilalang si Menard Franz.

Pwersahang pinasok ng mga rumespondeng pulis ang banyo sa second floor ng tindahan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Tinatayang aabot sa P100,000. ang halaga ng nasirang mga gamit at produkto ng convenience store.

Kakasuhan ng pulisya ng Alarm and Scandal, at Malicious Mischief ang suspek na si alyas Jay Are, samantalang tumanggi ang kustomer ng pananakal na maghain ng kaso laban sa suspek. Dave Baluyot