Home METRO Tanod itinumba sa Nasugbu

Tanod itinumba sa Nasugbu

MANILA, Philippines – Itinumba ang isang barangay tanod sa Nasugbu, Batangas nitong Martes, Enero 2.

Sa ulat ng Batangas police nitong Miyerkules, binaril-patay ang lider ng mga tanod na si Hilario Rodriguez, 53-anyos, para pumasok sa duty bandang alas-7 ng gabi nang paputukan ng gunman gamit ang caliber .45 pistol.

Agad na tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Dinala si Rodriguez sa ospital ngunit nasawi rin habang ginagamot.

Sinabi ng pulisya na isang opisyal mula sa office of the Violence Against Women and Children (VAWC), ang nakasaksi sa insidente at tinukoy ang killer bilang si alyas “Suro,” 43-anyos at residente rin ng kaparehong barangay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa insidente.

Naglunsad na rin ng manhunt operation ang pulisya para maaresto ang suspek. RNT/JGC

Previous articleSeismic activity sa Bulusan, tumaas
Next articleFilipino lawyer nanumpa bilang alkalde ng Bergenfield, New Jersey